29/05/2026
We are honored and grateful for this recognition.
This milestone reflects the collective effort, dedication, and passion of the entire TJA Flores Architectural Design and Consultancy team. Under the leadership of Ar. Tristan James Flores, we remain committed to creating innovative, sustainable, and community-centered designs that contribute to the growth and development of our cities.
We thank our clients, partners, collaborators, and team members for their trust and support throughout the years. Together, we continue to build spaces that inspire progress and create lasting impact.
Congratulations to our team on this meaningful recognition. Here's to shaping more communities and building a better future through architecture.
https://www.facebook.com/share/p/18iSjPR9eU/
IlagueNews Update | Limang World-Class na Proyekto sa Ilagan, Kamangha-mangha ang Disenyo ng Isang ASEAN Architect
Patuloy na nagbabago at mas lalong gumaganda ang mukha ng Lungsod ng Ilagan sa pamamagitan ng mga makabagong imprastrakturang may world-class na disenyo, isang hakbang tungo sa adhikain nitong maging isang “Liveable City by 2030.”
Sa likod ng ilan sa mga pinaka-kapansin-pansing proyekto sa lungsod ay si Tristan James Flores ng TJA Flores Architectural Design and Consultancy, isang kinikilalang UAP at ASEAN Architect na itinuturing na ring “adopted son” ng Ilagan dahil sa kanyang malaking ambag sa modernisasyon ng siyudad.
Kabilang sa limang proyektong may world-class na disenyo na kanyang pinangunahan ay ang City of Ilagan College, City of Ilagan Medical Center, San Antonio Public Market, Marana Public Market, at ang itinatayong extension ng City of Ilagan Hotel and Convention Center.
Dahil sa kanilang moderno, functional, at globally inspired na disenyo, mas pinatitibay ng mga proyektong ito ang imahe ng Ilagan bilang isang progresibo at future-ready na lungsod sa Hilagang Luzon.
Kamakailan lamang ay ginawaran din si Ar. Flores bilang isang ASEAN Architect, isang prestihiyosong pagkilala sa kanyang 14 na taong kontribusyon sa larangan ng healthcare architecture at sustainable design. Tinagurian din siyang “Vanguard Architecton for the ASEAN Future” dahil sa kanyang mga makabagong disenyo ng mga ospital mula Luzon hanggang Mindanao at pagsusulong ng green building solutions bilang isang PGBI Accredited Professional.
Bilang isang alumnus ng University of Santo Tomas at kasalukuyang UAP Regional District Director (A1B), patuloy niyang itinataas ang antas ng galing ng mga Pilipinong arkitekto sa international stage.
Sa bawat gusaling kanyang idinisenyo, hindi lamang modernong estruktura ang kanyang naiiwan kundi isang inspirasyon ng progreso, kaunlaran, at pangarap para sa mas maayos at mas livable na Ilagan sa taong 2030.