19/11/2025
Dahil sa napapanahong lindol, bagyo, at baha, mas pinapalakas ng Aimstaff Multi-Purpose Cooperative ang kahandaan ng ating komunidad. Ngayon, November 19, 2025, matagumpay tayong namahagi ng Emergency Alert Kits sa mga residente ng Brgy. Kamuning, bilang bahagi ng ating patuloy na adbokasiya para sa kaligtasan at resiliency.
Ang ating Emergency Alert Kit ay naglalaman ng:
🔹 Pito – para sa signal at paghingi ng tulong.
🔹 Flashlight – para sa visibility sa panahon ng brownout.
🔹 Facemask – proteksyon sa alikabok, usok, at airborne hazards.
🔹 Emergency Hotline Card – may Unified 911, QC Hotline 122, Philippine Red Cross, NDRRMC, PNP, PCG, at MMDA para sa mabilisang tawag sa oras ng sakuna.
🔹 Gamot – basic first aid medicines para sa agarang pangangailangan.
Nagbigay din tayo ng information materials ukol sa:
1. Tamang paghahanda bago, habang, at pagkatapos ng sakuna
2. Mga dapat gawin sa evacuation
3. Life-saving reminders para sa lindol, bagyo, at baha
4. Duck, Cover, and Hold – tamang earthquake safety procedure upang mabawasan ang panganib ng injury
Duck – Yumuko at bumaba agad.
Cover – Magtago sa ilalim ng matibay na mesa o protektahan ang ulo.
Hold – Hawakan nang mahigpit ang pinagtataguan hanggang huminto ang pagyanig.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng ating mga Safety Officers, First Aiders, at buong kooperatiba bilang pagsasabuhay ng ating mga prinsipyo:
🤝 Concern for Community
🛡️ Social Responsibility
💙 Serbisyong may Puso, Para sa Ka-May Ari
Patuloy nating itaguyod ang isang komunidad na:
Handa. Alerto. Matatag.
Aimstaff Multi-Purpose Cooperative
“Katuwang sa Kahandaan, Kaagapay sa Kaligtasan.”