16/06/2026
🚩 ARCHITECT RED FLAGS na dapat mong iwasan bago magpagawa ng bahay! 🏡
"Hindi lahat ng tipid, nakakatipid."
Real talk lang, hindi dahil mas mura ang offer, ibig sabihin mas makakatipid ka na. Maraming homeowners ang nauuwi sa mas malaking gastos dahil sa mga bagay na akala nila ay "pwede na". 😬
🚩 Walang kontrata?
Kapag puro usapan lang at walang malinaw na kasunduan, madali magkaroon ng misunderstanding pagdating sa scope ng trabaho, timeline, at bayaran.
🚩 Walang detailed plans?
Hindi sapat ang simpleng floor plan lang. Kapag kulang ang drawings, mas mataas ang chance ng mali sa site, revisions, delays, at dagdag gastos.
🚩 Walang site supervision?
Hindi porket may contractor na, okay na agad. Importante pa rin na may professional na nagmo-monitor para siguradong nasusunod ang plano at quality standards.
🚩 Sobrang murang quotation?
Minsan, ang pinakamurang quote ang pinakamahal sa huli. Bakit? Dahil may mga hidden costs, kulang na scope, o mga bagay na hindi pala kasama sa una.
Sa pagpapatayo ng bahay, tandaan mo na mas mahal ang pag-aayos ng mali kaysa paggawa nito nang tama sa umpisa. 💯
Kaya bago ka mag-decide, huwag lang presyo ang tingnan. Tingnan mo rin ang proseso, experience, at kung kumpleto ba ang serbisyo na ino-offer sa'yo.
🏡✨ Ang goal ay hindi lang makatipid ngayon, kundi makaiwas sa doble o triple na gastos sa future.
Build smart, not just cheap.
📩 Planning to build your dream home? Message B+N Atelier and let us help you through proper design, construction, and project management.