ACT Cordillera

Call Contact the business

ACT Cordillera Alliance of Concerned Teachers - Cordillera

We are the regional chapter of the largest progressive, militant, and nationalist organization of teachers, academic non-teaching personnel and non-academic non-teaching personnel in the country—working for the economic and political well-being of education workers and genuine social transformation.

📸 LOOK: Photos from “Talakayan Hinggil sa Edukasyon, Badyet at Pananagutan”Naging makabuluhan ang talakayan kasama si AC...
14/10/2026

📸 LOOK: Photos from “Talakayan Hinggil sa Edukasyon, Badyet at Pananagutan”

Naging makabuluhan ang talakayan kasama si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio at mga g**o, kawani ng edukasyon, at mag-aaral sa Baguio hinggil sa panukalang badyet para sa 2027, sa gitna ng patuloy na krisis sa edukasyon at pangangailangang panagutin ang pamahalaan sa paggamit ng pondo ng bayan.

Sa ganitong mga talakayan, pinapalalim natin ang ating pagsusuri at pinagtitibay ang ating mga panawagan para sa sapat na badyet at dekalidad na edukasyon para sa lahat.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa!

🤔 Sino ang dapat managot sa krisis sa edukasyon? Sapat ba ang badyet na inilalaan para sa mga paaralan, g**o, at mag-aar...
09/10/2026

🤔 Sino ang dapat managot sa krisis sa edukasyon? Sapat ba ang badyet na inilalaan para sa mga paaralan, g**o, at mag-aaral? At ano ang dapat nating ipanawagan upang matiyak ang karapatan ng bawat Pilipino sa dekalidad na edukasyon?

Inaanyayahan ng ACT Cordillera, kasama ang All U.P. Academic Employees Union – Baguio Chapter at ACT Teachers Party-list, ang mga g**o, estudyante, kawani ng edukasyon, at iba pang mamamayan sa isang talakayan kasama si Rep. Antonio Tinio ng ACT Teachers Party-list, hinggil sa kalagayan ng sektor ng edukasyon, sa usapin ng badyet, at sa pananagutan ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga paaralan at komunidad.

👨‍🏫 Rep. Antonio Tinio, ACT Teachers Party-list
📆 Oktubre 14, 2026 (Miyerkules)
🕔 5:00 PM
📍 Teatro Amianan, UP Baguio

Kita-kits!

HAPPY WORLD TEACHERS DAY, MA'AM & SIR! Pagbati at saludo sa mga g**o ng bayan!Ngayong Pandaigdigang Araw ng mga G**o, ki...
05/10/2026

HAPPY WORLD TEACHERS DAY, MA'AM & SIR!

Pagbati at saludo sa mga g**o ng bayan!

Ngayong Pandaigdigang Araw ng mga G**o, kinikilala at pinapasalamatan natin ang mga magigiting na pangalawang magulang sa ating mga paaralan.

Kung kaya’t ang panawagan natin ay DAGDAG SWELDO, HINDI DAGDAG TRABAHO. Kasabay nito ang panawagan natin para sa dagdag pondo para sa edukasyon: para sa maayos na pasilidad, kagamitan at klasrum, at nararapat na dagdag g**o sa mga paaralan. Syempre, maayos na sahod at benepisyo ang deserve ng mga teacher sa kaniyang araw-araw na sakripisyo!

Kasabay ng pagpupugay ay paingayin natin ang ating mga panawagan.




26/09/2026
23/09/2026

Address

Rimando Road
Baguio City
2600

Telephone

+639283765215

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ACT Cordillera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ACT Cordillera:

Shortcuts

Share