Alerto PH

Alerto PH We connect technologies, people, and insights for safer communities before, during, and after emergencies and disasters.

Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan, sinisimulan natin ang community Flood Watch.πŸ“Έ May baha na ba sa inyong lugar? I...
08/08/2026

Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan, sinisimulan natin ang community Flood Watch.

πŸ“Έ May baha na ba sa inyong lugar? I-post sa COMMENTS ang inyong PHOTO o VIDEO kasama ang inyong LOCATION at ORAS para makatulong na mabigyan ng babala ang iba.

πŸ†˜ Kailangan ng tulong o rescue? Mag-comment din ng inyong location at kasalukuyang sitwasyon para mas mabilis itong makita at ma-share sa komunidad at mga kinauukulan.

Ang simpleng update mo ay maaaring makatulong sa iba na umiwas sa baha at delikadong kalsada.

πŸ‘‡ DROP YOUR FLOOD UPDATE BELOW
πŸ“ Location:
πŸ• Time:
🌊 Flood situation:

Mag-ingat, Pilipinas. Bawat update, maaaring makapagligtas ng buhay.

ALERTO! RED HEAVY RAINFALL WARNING ITINAAS SA METRO MANILA AT ILANG KARATIG-LALAWIGAN : Itinaas na sa RED Heavy Rainfall...
08/08/2026

ALERTO! RED HEAVY RAINFALL WARNING ITINAAS SA METRO MANILA AT ILANG KARATIG-LALAWIGAN

: Itinaas na sa RED Heavy Rainfall Warning ang Metro Manila ngayong 2:00 PM, Agosto 8, 2026, kasama ang ilang bahagi ng Bataan, Cavite, Zambales, Batangas, Pampanga, Bulacan at Laguna dahil sa patuloy na epekto ng pinaigting na Habagat (Enhanced Southwest Monsoon).

πŸ”΄ RED WARNING LEVEL
⚠️ Inaasahan ang malubhang pagbaha sa mga flood-prone at mabababang lugar. Maging handa sa posibleng mabilis na pagtaas ng tubig.

🟠 ORANGE WARNING LEVEL
Rizal at iba pang bahagi ng Batangas, Laguna, Zambales, Quezon, Pampanga at Bulacan. Mataas ang posibilidad ng pagbaha.

🟑 YELLOW WARNING LEVEL
Ilang bahagi ng Zambales, Laguna, Bulacan, Tarlac at Quezon. Posible ang pagbaha sa mga lugar na madaling bahain.

🌧️ Patuloy ang malawakang pag-ulan sa Luzon. Iwasang bumiyahe o tumawid sa mga baha kung hindi kinakailangan at maging handa sa posibleng paglikas kung nakatira sa high-risk area.

πŸ“ Kumusta ang sitwasyon sa inyong lugar? I-comment ang inyong lungsod/barangay at mag-share ng litrato o video kung ligtas gawin.

πŸ“Œ Susunod na rainfall warning update: 5:00 PM

08/08/2026

⚠️🌧️ ZERO VISIBILITY SA ILANG BAHAGI NG QUEZON CITY!

Halos wala nang makita sa daan dahil sa napakalakas na ulan at bugso ng hangin ngayong umaga.

πŸ“ Kumusta ang panahon sa lugar ninyo ngayon? Nasaan kayo? I-comment ang inyong location at mag-share ng photo o video sa comments para makatulong sa iba na malaman ang kasalukuyang sitwasyon.

LINDOL ALERT! 🚨Naramdaman ang isang lindol sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan ngayong Biyernes ng ...
07/08/2026

LINDOL ALERT! 🚨

Naramdaman ang isang lindol sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan ngayong Biyernes ng umaga, Agosto 7.

⚠️ Naramdaman mo rin ba? I-comment ang inyong lokasyon at kung gaano ito kalakas sa inyong lugar.

πŸ“Œ Hinihintay pa ang opisyal na detalye mula sa PHIVOLCS. Patuloy kaming magbibigay ng updates sa sandaling may inilabas na impormasyon.

⚠️ ALERTO: METRO MANILA, NASA ORANGE RAINFALL WARNING NA NGAYONG GABIIsinailalim na ng PAGASA sa Orange Rainfall Warning...
06/08/2026

⚠️ ALERTO: METRO MANILA, NASA ORANGE RAINFALL WARNING NA NGAYONG GABI

Isinailalim na ng PAGASA sa Orange Rainfall Warning ang buong Metro Manila sa kanilang 11:00 PM bulletin ngayong Agosto 6 dahil sa patuloy na epekto ng Habagat (Southwest Monsoon) na pinalalakas ng Tropical Depression MAYMAY.

🟠 ORANGE RAINFALL WARNING
β€’ Bataan
β€’ Zambales
β€’ Metro Manila
β€’ Rizal
β€’ Cavite
β€’ Bahagi ng Pampanga
β€’ Bahagi ng Bulacan
β€’ Bahagi ng Laguna
β€’ Bahagi ng Batangas

⚠️ Posibleng Epekto:
Malaki ang posibilidad ng pagbaha sa mga mabababang lugar, tabing-ilog, at iba pang flood-prone areas. Mag-ingat din sa posibilidad ng pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.

🟑 YELLOW RAINFALL WARNING
Umiiral din sa iba pang bahagi ng Pampanga, Bulacan, Tarlac, Quezon, Batangas, at Laguna, kung saan posible rin ang pagbaha sa mga lugar na madaling bahain.

🌧️ Patuloy namang nakararanas ng light hanggang moderate, at minsan ay malakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Central Luzon at CALABARZON, na maaaring magpatuloy sa loob ng susunod na tatlong oras.

πŸ“Œ Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, iwasang tumawid sa baha, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng PAGASA at ng inyong lokal na pamahalaan.

ALERTO: Kita ngayong pasado 7:30 p.m. ang hilera ng mga bumbero na rumeresponde sa isang sunog sa lugar Carmen Planas St...
06/08/2026

ALERTO: Kita ngayong pasado 7:30 p.m. ang hilera ng mga bumbero na rumeresponde sa isang sunog sa lugar Carmen Planas Street cor. Recto Avenue sa Maynila ngayong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Manila PIO, kasalukuyang nasa ikalawang alarma ang sunog.

πŸ“Έ: Romie Valenciano Sorenio

04/08/2026

ISANG PATAY, ISA SUGATAN SA PAMAMARIL SA MAKATI CITY

Isang babae ang nasawi habang isa pa ang nasugatan matapos silang pagbabarilin sa kahabaan ng City Garden area sa Makati Avenue, Makati City, bandang 6:45 ng gabi.

Ayon sa paunang impormasyon, dalawang babae ang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek. Agad na rumesponde ang mga awtoridad at isinugod ang mga biktima sa ospital, ngunit idineklarang dead on arrival ang isa sa kanila.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa pamamaril.

Courtesy: Rk Gonzales

ROAD ALERT | BENGUETIsinara muna ang Ambiong-Lubas Road sa La Trinidad, Benguet matapos ang pagguho ng lupa at pagbagsak...
04/08/2026

ROAD ALERT | BENGUET

Isinara muna ang Ambiong-Lubas Road sa La Trinidad, Benguet matapos ang pagguho ng lupa at pagbagsak ng mga debris dulot ng tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan bandang 5:30 PM kahapon, Agosto 3.

Pinapayuhan ang mga motorista na umiwas muna sa naturang kalsada at gumamit ng alternatibong ruta habang isinasagawa ang clearing operations at assessment sa lugar.

πŸ“ Lokasyon: Ambiong-Lubas Road, La Trinidad, Benguet

πŸ“Έ Courtesy: Brgy. Ambiong, La Trinidad via PIA Benguet / GMA Regional TV One North Central Luzon

PAGASA RAINFALL OUTLOOK | August 4–6, 2026Inilabas ng DOST-PAGASA ang Heavy Rainfall Outlook para sa Agosto 4–6, 2026 bu...
03/08/2026

PAGASA RAINFALL OUTLOOK | August 4–6, 2026

Inilabas ng DOST-PAGASA ang Heavy Rainfall Outlook para sa Agosto 4–6, 2026 bunsod ng umiiral na Low Pressure Area (LPA) at Habagat (Southwest Monsoon).

⚠️ Inaasahan ang patuloy na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na madaling maapektuhan.

πŸ“Œ Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto, subaybayan ang mga opisyal na abiso ng DOST-PAGASA at ng inyong lokal na pamahalaan, at maghanda kung kinakailangan.

πŸ“· Courtesy: DOST-PAGASA

  | AUGUST 4, 2026 (MARTES)Dahil sa patuloy na epekto ng Low Pressure Area (LPA) na dating  , ilang lokal na pamahalaan ...
03/08/2026

| AUGUST 4, 2026 (MARTES)

Dahil sa patuloy na epekto ng Low Pressure Area (LPA) na dating , ilang lokal na pamahalaan ang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase ngayong Martes, Agosto 4, 2026.

πŸ“š Apektadong lugar:

CAR:
BENGUET
BAGUIO CITY - no f2f classes, all levels, private and public
TUBA - no f2f classes, pre-school to senior high, public and private

REGION 1:
PANGASINAN PROVINCE - all levels, public & private; suspension of work in all government institutions
LA UNION PROVINCE - all levels, public & private including gov't offices

REGION 2:
ISABELA
ALICIA - all levels, public & private
ANGADANAN - all levels, public & private
AURORA - all levels, public & private
BENITO SOLIVEN - all levels, public & private
BURGOS - all levels, public & private
CABATUAN - all levels, public & private
CITY OF ILAGAN - all levels, public & private
CORDON - F2F classes in all levels, public & private
DELFIN ALBANO - all levels, public & private
DIVILACAN - all levels, public & private
ECHAGUE - all levels, public & private including faculty & staff
GAMU - all levels, public & private
LUNA - F2F classes in all levels, public & private
MALLIG - pre-school to senior high school
NAGUILIAN - all levels, public & private
PALANAN - all levels, public & private
QUEZON - all levels, public & private
REINA MERCEDES - all levels, public & private
ROXAS - all levels, public & private
SAN AGUSTIN - all levels, public & private
SAN GUILLERMO - all levels, public & private
SAN MANUEL - pre-school to senior high school
SANTA MARIA - all levels, public & private
SAN PABLO - all levels, public & private
SANTO TOMAS - all levels, public & private
TUMAUINI - all levels, public & private

NUEVA VIZCAYA
SANTA FE - all levels, public and private
ARITAO - kindergarten to secondary levels, public and private
DUPAX DEL NORTE - kindergarten to secondary levels, public and private
QUIRINO
NAGTIPUNAN - no f2f classes, kindergarten to senior high, public and private

REGION 3:
TARLAC PROVINCE - Suspension of classes in all levels, public & private

BULACAN
CALUMPIT - no f2f classes, all levels, public and private
SAN MIGUEL - no f2f classes, kindergarten to senior high, public and private

BATAAN PROVINCE - all levels, public and private

NUEVA ECIJA PROVINCE - all levels, public and private

PAMPANGA
MABALACAT - NO FACE-TO-FACE CLASSES, ALL LEVELS, PUBLIC & PRIVATE

REGION IV-A:

CAVITE
TAGAYTAY CITY - all levels, public and private

πŸ”„ I-refresh ang aming page para sa pinakahuling updates sa suspensyon ng klase at lagay ng panahon.

Address

Valenzuela

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alerto PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share