26/01/2026
Mahalagang Paalala sa Lahat ng Magulang at Kabataan!
Para sa kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad, magsasagawa po ang inyong lingkod-Mayor Atty. Elvis S. Uy, kasama ang PNP-Atimonan sa pangunguna ni PMAJ Marnie D. Abellanida, Municipal Chief of Police, pati na ang ating mga Barangay Officials, Barangay Peace and Order Action Committee (BPOAC), at mga Barangay Tanod, ng Project E.S.U. (Enforcement of Simultaneous curfew for Underage) mamayang gabi, Enero 26, 2025 | 9:30 PM.
Lahat ng mga kabataan na wala sa kanilang mga tahanan o nasa mga pampublikong lugar sa oras ng curfew ay magiging bahagi ng pagsasagawa ng mga hakbang upang tiyakin ang kanilang kaligtasan at maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente sa gabi.
Layunin po natin na tiyakin ang kaligtasan ng ating kabataan at maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari sa mga oras ng gabi. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga awtoridad, at mga barangay, ang Project E.S.U. ay magsisilbing gabay upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating komunidad, at masiguro ang isang ligtas na kapaligiran para sa mga kabataan at pamilya.
!