09/06/2026
π’ Mukhang Matibay Pero Safe Ba Talaga ang Building?
π’ For Awareness and Safety
Kapag lumindol, madalas una nating napapansin ang mga bitak sa pader, kisame, o sahigβpero ang mas mahalaga ay kung ano ang nangyayari sa mismong structural framing ng gusali, gaya ng columns, beams, slabs, at foundation, na siyang sabay-sabay na sumasalo at nagta-transfer ng bigat at lateral forces ng lindol papunta sa lupa.
Pero ang mas mahalagang tanong ay:
Alam ba natin kung gaano kaligtas ang ating gusali bago pa man ang lindol?
Maraming gusali sa Marinduque ang naitayo dekada na ang nakalipas. Ang ilan ay itinayo bago pa magkaroon ng mas mahigpit na seismic provisions sa ating mga building codes. Ang iba naman ay sumailalim na sa renovations, pagbabago ng gamit, o pagdaragdag ng palapag sa paglipas ng panahon.
Dahil dito, mahalagang magkaroon ng Structural Assessment upang malaman kung ang isang gusali ay may kakayahang makayanan ang inaasahang puwersang dulot ng lindol.
π
Ano ang unang tinitingnan?
Taon ng Konstruksyon
Mahalagang malaman kung kailan itinayo ang gusali dahil nagbibigay ito ng ideya kung anong structural design code ang maaaring ginamit sa disenyo.
πΉ Pre-Code Buildings β mga gusaling naitayo bago pa maipatupad ang modernong seismic design provisions.
πΉ Benchmark Buildings β mga gusaling naitayo gamit ang naunang bersyon ng NSCP na may mas limitadong seismic provisions kumpara sa kasalukuyan.
πΉ Post-Benchmark Buildings β mga gusaling na-design at naitayo gamit ang mas bagong seismic provisions at mas advanced na kaalaman sa earthquake engineering.
π Sa kasalukuyan, ang NSCP 2015 ang pangunahing structural design benchmark na ginagamit sa bansa.
π’ Ngunit inaasahan ding ilalabas ngayong taon ng Association of Structural Engineers of the Philippines (ASEP) ang bagong edisyon ng National Structural Code of the Philippines β ang NSCP 2026, na maglalaman ng updated seismic provisions at mas pinahusay na design standards para sa mas ligtas at mas resilient na mga estruktura.
Mahalagang tandaan: ang pagiging luma o bago ng gusali ay hindi automatic na sukatan ng kaligtasan. Isa lamang itong panimulang batayan sa mas malalim na pagsusuri.
π Ano pa ang sinusuri?
ποΈ Structural System β RC, steel, masonry, o mixed
π Configuration β soft storey, short columns, irregularities
π Location β fault proximity, liquefaction, landslide risk
π Condition β cracks, corrosion, settlement, deterioration
π¨ History β modifications, added floors, change of use, past hazards
ποΈ Foundation β settlement, bearing capacity issues, at signs ng ground movement
π Ano ang FEMA P-154?
Ang Rapid Visual Screening (RVS) gamit ang FEMA P-154 ay unang hakbang upang matukoy kung kailangan ng mas detalyadong structural evaluation.
Hindi ito final judgment ng safetyβkundi screening tool lamang.
π Ano ang susunod pagkatapos ma-assess?
Kapag ang initial screening ay nagpakita ng posibleng structural concern, ang susunod na hakbang ay:
π More Detailed / Comprehensive Structural Assessment
Dito isinasagawa ang mas masusing pagsusuri tulad ng:
β’ Structural analysis (linear o nonlinear modeling)
β’ Material testing (concrete strength, steel properties)
β’ Detailed inspection ng columns, beams, slabs, at foundation
β’ Soil at geotechnical investigation kung kinakailangan
β’ Evaluation base sa latest NSCP seismic provisions
Sa yugtong ito, mas malinaw na natutukoy kung ang gusali ay:
β
Sapat pa ang structural capacity
β οΈ Kailangan ng strengthening o retrofitting
β O may critical deficiencies na dapat agad tugunan
π₯ Sino ang Dapat Unahin?
β’ Hospitals
β’ Schools
β’ Government Buildings
β’ Churches
β’ Evacuation Centers
β’ Commercial Buildings
β’ High-occupancy structures
Dahil kapag ang mga ito ang naapektuhan, buong komunidad ang damay.
π’ Paalala
Ang Structural Assessment ay hindi paghahanap ng mali.
Hindi ito pagbatikos sa mga engineer na nagdisenyo noon.
Ang bawat disenyo ay batay sa code, datos, at kaalaman na available sa kanilang panahon.
π― Sa huliβ¦
Ang mahalaga ay hindi kung gaano kaganda ang gusali sa paningin.
Kundi kung gaano ito katibay kapag dumating ang lindol.
π’ Mukhang matibayβ¦ pero safe ba talaga ang building?