JomClav Arc+

JomClav Arc+ LET'S BUILD YOUR DREAM TOGETHER!

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️
29/04/2026

⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

#𝗕𝘂𝗵𝗶𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺𝗡𝗲𝘄𝘀 𝗜 𝗔𝗯𝗿𝗶𝗹 𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲 — Isang panibagong disenyo para sa rehabilitasyon ng Rizal Park sa Buhi ang inilatag ng isang arkitekto at miyembro ng Knights of Rizal, na layong pagsamahin ang pagpapanatili ng kasaysayan at pagpapalakas ng turismo sa bayan.

Sa panayam ng Buhi Forum News, sinabi ni Architect Jomari Claveria na hindi kailangang baguhin ang kasalukuyang anyo ng parke kundi pagandahin at paunlarin ito habang pinananatili ang mga alaala at identidad na nakalakhan ng mga Buhinon.

“Hindi natin kailangang baguhin kung ano ang meron—i-improve lang natin para ma-preserve ang memories at identity nito,” ani Claveria.

Ayon sa kanya, ang konsepto ng disenyo ay nakatuon sa “classical Filipino-Hispanic architectural style,” na inaasahang magbibigay ng natatanging karakter sa parke bilang simbolo ng kultura at kasaysayan ng Buhi.

Dagdag pa niya, makatutulong din ang proyekto sa turismo kung saan maaaring maging pangunahing destinasyon ang parke para sa mga bisita dahil sa mas maayos at eleganteng anyo nito.

Tinatayang aabot sa humigit-kumulang ₱5 milyon ang kabuuang halaga ng proyekto.

Naunang hakbang
Noong Oktubre 25, 2025, isinagawa ang unveiling ceremony at paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa Rizal Park Restoration Project—isang inisyatibo na naglalayong mapanatili ang pamana ni Dr. José Rizal at buhayin muli ang isa sa mahahalagang pook ng bayan.

Ayon naman kay former KOR Commander at US-based Dr. Frandioben “Jun” Sergio Saez, dalawang taon nang pinaplano ang proyekto sa pamamagitan ng serye ng konsultasyon tuwing siya ay umuuwi sa Buhi.

“Layunin naming gawing malinis, ligtas, at inspirasyonal ang parke—isang lugar kung saan maaalala ang mga ideyal ni Rizal,” aniya.

Agad namang sinuportahan ng lokal na pamahalaan ang plano, kung saan nangako sina Mayor Rey Lacoste at Vice Mayor Christian Echipare na maglalaan ng ₱2 milyon sa 2026 municipal budget para sa proyekto.

Bilang paunang hakbang, nagsimula na ang Knights of Rizal Buhi Chapter sa ilang restoration works tulad ng paglalagay ng ilaw at repainting ng mga memorabilia sa parke.

Samantala, sinabi ni KOR Buhi Chapter Commander Atty. Sharik Salvo na kasalukuyan nang nasa tanggapan ng Municipal Engineer ang proyekto at isinasapinal na ang program of works.

Sa kabuuan, inaasahang magiging sentro ang Rizal Park hindi lamang ng alaala kundi ng turismo at identidad ng mga Buhinon sa mga darating na taon.








Address

254, ZONE 4, SAN BUENA
Buhi
4433

Telephone

+639662672257

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JomClav Arc+ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to JomClav Arc+:

Shortcuts

Share