13/05/2022
Pinirmahan po natin ngayong araw ang isang memorandum na nagbabalik ng pagkuha ng permit para sa mga nagnanais magsagawa ng rally sa ating lungsod.
Kung inyo pong matatandaan noong panahon ng kampanya, binuksan po natin ang Maynila para sa lahat ng kandidatong gustong mangampanya at magsagawa ng rally sa ating lungsod, at hindi na nila kailangan pang kumuha ng permit sa City Hall.
Ngayong tapos na po ang kampanya, at nakapagdesisyon na ang taumbayan. We have to put things in right order. For the purposes of moving on, at kayo ay maibalik na sa normal, yung normal na pamumuhay, kailangan na pong ilagay natin sa tamang perspektibo ang mga bagay-bagay.
My job is to keep you safe. Ang trabaho ko ay mabigyan kayo ng maaliwalas, matiwasay, at panatag na pamumuhay sa lungsod ng Maynila.
Ito po ay aking gagampanan hanggang sa huling araw ko bilang alkalde ng lungsod.