24/10/2024
Tips for buying Quality Solar Lights at iwas ma scam.
1. Huwag magpapaloko sa mga nagbebenta ng 500w, 1,000w, 18,000w or 30,000w tapos ang liliit pa ng LED lamps, led bids at solar panel. Pwede ito e customize ng factory at ibahin ang nakasulat kung ilang watts kunwari ito ay affordable at malakas.
2. Ang tunay na 1000w na Solar Lights ay kasing tulad sa laki ng isang 27-30inch monitor pagkatapos ang Solar Panel ay mahihintulad sa isang maliit na office table.
3. Tandaan kapag malaki ang Ilaw (Lamps) dapat malaki rin ang size ng Solar Panel. Para lang yan powerbank, mas maliit or magaan hindi ito nagtatagal.
4. Karamihan nagbebenta ng solar light sa shopee at sa tiktok ay mura o affordable subalit pansinin ang Solar Panel nito maliit at tila ikaw ay tinitipid. Tingnan niyo rin ang bids nito malaki lang ang katawan at cup pero hindi ito concentrated.
5. Marami rin solar light na hindi inaabot ng umaga dahil mabilis malowbat na ang batterya. Yan ang kadalasan problema ng murang solar light, hindi nila alam maliit lang ang laman ng batterya at hindi naka balanse ang watts sa batterya kaya ito hindi nagtatagal.
Kung gusto niyo ng kalidad na solar light. Maari kayong mag dm sa aking post.