12/09/2026
๐ท๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐?
Bilang isang consultant sa larangan ng construction, ito ang eksaktong sistema ng Progress Billing na lagi kong inirerekomenda at ipinapatupad para sa aking mga kliyente.
Hindi lamang ito proteksyon para sa kliyente upang hindi matakbuhan o maunsami ang proyekto, kundi nakatutulong din ito sa contractor upang magkaroon sila ng maayos, patas, at predictable na cash flow. Sa pamamagitan ng tamang pagkwenta ng accomplishment, pag-recoup ng downpayment, at pag-hold ng retention fee, nasisigurado nating patas ang bawat piso na inilalabas mo batay sa tunay na kalidad at dami ng gawang natapos sa site.
๐๐ฎ๐บ๐ถ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ ๐๐ถ๐น๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐บ
Marami tayong naririnig na kwento tungkol sa mga "puknat" o tumakbong contractor. Kadalasan, nangyayari ito kapag halos bayad na nang buo ang kontrata ng proyekto ngunit wala pa sa 50% ang totoong natatapos sa site.
Upang maprotektahan ang pera ng kliyente at masigurong may sapat na cash flow ang contractor para sa mga materyales at pasahod, ang pinakamagandang solusyon ay ang paggamit ng Progress Billing System.
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ ๐๐ถ๐น๐น๐ถ๐ป๐ด?
Ang Progress Billing ay isang sistema ng pagbabayad sa konstruksyon kung saan nagbabayad lamang ang kliyente batay sa actual accomplishment o tunay na natapos na gawa ng contractor sa site (Milestone).
Sa halip na ibigay agad ang buong pondo, hinahati-hati ang pagbabayad sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐๐๐ผ ๐๐๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ?
(Batay sa Halimbawa sa Talahanayan)
Halimbawang ang kabuuang halaga ng proyekto (Total Contract Amount) ay โฑ25,000,000.00.
๐ญ. ๐ฏ๐ฌ% ๐๐ผ๐๐ป๐ฝ๐ฎ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ)
Halaga: โฑ7,500,000.00 (30% ng โฑ25M)
Layunin: Ginagamit ito ng contractor bilang mobilization fund para sa paunang pagbili ng materyales, pag-upa ng kagamitan, at pasahod sa mga unang linggo ng proyekto.
๐ฎ. ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ ๐๐ฐ๐ฐ๐ผ๐บ๐ฝ๐น๐ถ๐๐ต๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐)
Sa bawat yugto o Milestone na matapos ng contractor, sinusukat kung ilang porsyento ng proyekto ang tunay na natapos.
Halimbawa sa Milestone #1:
Progress: 9.246%
Gross Amount of Accomplishment (A): โฑ2,311,447.24
๐ฏ. ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ผ๐๐ป๐ฝ๐ฎ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ - ๐ฏ๐ฌ% (๐)
Dahil nagbigay na ng 30% paunang bayad (Downpayment) ang kliyente sa simula, kailangang ibawas nang paunti-unti ang downpayment na ito sa bawat progress billing hanggang sa maibalik ito nang buo pagdating ng 100% completion.
Formula: 30% ng Gross Accomplishment (A)
Sa Milestone #1: 30% x โฑ2,311,447.24 =โฑ693,434.17
๐ฐ. ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฒ๐ฒ - ๐ฑ% (๐)
Ang Retention ay pondo na itinatabi o pino-hold ng kliyente mula sa bawat billing upang magsilbing garantiya laban sa mga sira, defects, o hindi natapos na gawa. Karaniwang ibinabalik ito sa contractor pagkatapos ng Defects Liability Period (hal. 6 hanggang 12 buwan matapos ma-turnover ang proyekto).
Formula: 30% ng Gross Accomplishment (A)
Sa Milestone #1: 5% x โฑ2,311,447.24 =โฑ115,572.36
๐ฑ. ๐ก๐ฒ๐ ๐๐ถ๐น๐น ๐๐บ๐ผ๐๐ป๐ (๐)
Ito ang aktwal na halaga ng tseke o ibabayad sa contractor para sa partikular na billing na iyon.
Formula: Net Bill = Accomplishment (A) โ Recoupment (B) โ Retention (C)
Sa Milestone #1:
โฑ๐ฎ,๐ฏ๐ญ๐ญ,๐ฐ๐ฐ๐ณ.๐ฎ๐ฐ - โฑ๐ฒ๐ต๐ฏ,๐ฐ๐ฏ๐ฐ.๐ญ๐ณ - โฑ๐ญ๐ญ๐ฑ,๐ฑ๐ณ๐ฎ.๐ฏ๐ฒ = โฑ๐ญ,๐ฑ๐ฌ๐ฎ,๐ฐ๐ฐ๐ฌ.๐ณ๐ญ
Ang pagpapatayo ng bahay ay isa sa pinakamalaking pamumuhunan sa iyong buhay. Huwag agad magpapadala sa mababang singil o mabilisang pangako. Palaging siguraduhing may malinaw na kontrata, transparent na Progress Billing schedule, at regular na inspeksyon mula sa isang lisensyadong propesyonal bago maglabas ng kasunod na bayad. Sa tamang sistema at tamang tao, protektado ang iyong pera, ang iyong proyekto, at ang iyong kapayapaan ng isip.