PrimeWater Iriga City

PrimeWater Iriga City This is the official page of PrimeWater Iriga City. Our contact number is:
PACD (054) 299-6504
Administrative Division (054) 299-5709.

Technical Division +639209560677
Commercial Division +639209560678

01/09/2021
Isang pagpupugay sa ating mga Bayani…Noon at Ngayon. Salamat sa inyong Kagitingan!
27/08/2021

Isang pagpupugay sa ating mga Bayani…

Noon at Ngayon.



Salamat sa inyong Kagitingan!

IRIGA, BICOL—Nagsawaga ng Tree Planting at Forest Maintenance activity ang PrimeWater Iriga at Iriga City Water District...
24/08/2021

IRIGA, BICOL—Nagsawaga ng Tree Planting at Forest Maintenance activity ang PrimeWater Iriga at Iriga City Water District sa San Isidro, ika-20 ng Agosto.

Kapwa limampung (50) punla ng Mahogany at Narra at isang daang (100) mga punla pa ng Narra mula Kabalikat Civicom 143 ang lumahok para itinanim sa lugar na inerekomenda ng Iriga-CENRO upang makatulong sa pag-preserba ng mga kabundukan ayon kay PrimeWater Iriga branch manager Ryan Cobilla.

Ang aktibidad na ito ng PrimeWater Iriga ay parte ng Lingap Kalikasan, isang CSR activity ng PrimeWater sa ilalim ng Daloy ng Paglingap Program, na naglalayong pangalagaan ang kalikasan.

Isa lamang ito sa mga programang ginagawa at gagawin pa na bunga ng joint venture agreement ng PrimeWater Iriga at Iriga City Water District na may misyong mas paigtingin pa ang pangangalaga sa kalikasan sa bayan ng Iriga.

Dinaluhan ang nasabing programa ng mga kawani ng Iriga City Water District sa pangunguna ni General Manager Romulo Corporal, mga miyembro ng Kabalikat Civicom 143 Rinconada Central Chapter sa pangunguna ni Engr. Sonny n. Jove, mga kawani ng barangay San Isidro, at PrimeWater Iriga sa pangunguna ni Branch Manager Ryan Cobilla.



IRIGA, BICOL—Nagbahagi ng "Community Pantry - Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa Pangangailangan" ang PrimeWate...
19/08/2021

IRIGA, BICOL—Nagbahagi ng "Community Pantry - Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa Pangangailangan" ang PrimeWater Iriga at Iriga City Water District sa barangay Perpetual Help ng ika-18 ng Agosto.

Namahagi sila sa may 170 pamilya ng katutubong Agta - Tabangin Tribe na pinamumunuan ni Chieftain Pepito Caneza.

Wika ni Ryan Cobilla, Branch Manager ng PrimeWater Iriga, itinuon nila sa lokal na tribong Agta ang kanilang donation drive.

“Marami sa kanila ang talagang nangangailangan,” sambit ng branch manager, “Makakatulong ang mga mga pagkaing ito kahit papaano sa kanila lalo na ngayong pandemic,” dagdag niya.

Ang donation drive na ito ay parte ng Lingap Bukas-Palad, isang CSR activity ng PrimeWater sa ilalim ng Daloy ng Paglingap Program, na naglalayong tumulong sa kanilang komunidad.

Isa lamang ito sa mga programang ginagawa at gagawin pa na bunga ng joint venture agreement ng PrimeWater Iriga at Iriga City Water District.

Dinaluhan ang nasabing programa ng mga kawani ng Iriga City Water District sa pangunguna ni General Manager Romulo Corporal, mga kawani ng Barangay Perpetual Help sa pangunguna ni Kap. Eduardo Dimaiwat, Agta -Tabangin Tribe sa pangunbuna ni Chieftain Pepito Caneza at PrimeWater Iriga sa pangunguna ni Branch Manager Ryan Cobilla.



18/08/2021
1. Mag-install ng QR Code Scanner2. I-scan ang QR Code gamit ang cellphone.3. Buksan ang link4. Basahin privacy policy a...
16/08/2021

1. Mag-install ng QR Code Scanner
2. I-scan ang QR Code gamit ang cellphone.
3. Buksan ang link
4. Basahin privacy policy at pindutin ang "Accept".
5. Ilagay ang mga kinakailangang detalye.
a. Ilagay ang yong ATM Reference Number.
- Makikita ito sa iyong Statement of account (SOA).
- Ilagay lamang ang unang sampung numero.
- Huwag isama nag huling apat.
6. May matatangap kang verification code pagkatapos i-submit ang mga detalye .
7. Buksan ang iyong e-mail at ilagay ang 6-digit code.

GET A ONE TIME 50.00 PESO REBATE ON YOUR BILL WHEN YOU REGISTER. PROCEDURE1. Install a QR Code Scanner.2. Scan The QR Co...
16/08/2021

GET A ONE TIME 50.00 PESO REBATE ON YOUR BILL WHEN YOU REGISTER.

PROCEDURE
1. Install a QR Code Scanner.
2. Scan The QR Code Using the app installed on your phone.
3. Open the link.
4. Read and accept the Privacy Policy.
5. Kindly fill out all the information needed.
a. Enter your ATM Reference Number.
- This can be found in your Statement of Account (SOA)
- Type in the first 10 digits only. Exclude the last 4 digits.
b. Enter your mobile number.
c. Enter your e-mail address.
d. Submit information.
6. A verification code will be sent to your mobile number.
7.Open your e-mail sent to your e-mail address
and enter the 6-digit code.

IRIGA, BICOL—Nagsagawa ng kauna-unahang Tree Planting activity ang PrimeWater Iriga at Iriga City Water District sa paki...
29/07/2021

IRIGA, BICOL—Nagsagawa ng kauna-unahang Tree Planting activity ang PrimeWater Iriga at Iriga City Water District sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ngayong araw, ika-29 ng Hulyo.

Isang Daang (100) Pili tree seedlings mula sa DENR ang itinanim sa Mt. Asog upang mas mapangalagaan ang kalikasan na isa sa mga misyon ng joint venture, wika ni Ryan Cobilla, branch manager ng PrimeWater Iriga.

“Susundan pa ‘to ng mas marami pang mga CSR activities para sa kalikasan,” dagdag niya.

Ang aktibidad na ito ng PrimeWater Iriga ay parte ng Lingap Kalikasan, isang CSR activity ng PrimeWater sa ilalim ng Daloy ng Paglingap Program, na naglalayong pangalagaan ang kalikasan.

Isa lamang ito sa mga programang ginagawa at gagawin pa na bunga ng joint venture agreement ng PrimeWater Iriga at Iriga City Water District na may misyong mas paigtingin pa ang pangangalaga sa kalikasan sa bayan ng Iriga.

Dinaluhan ang nasabing programa ng mga kawani ng Iriga City Water District sa pangunguna ni General Manager Romulo Corporal, mga kawani ng CENRO sa pangunguna ni Forest Technician Henry Hernandez, tauhan ng Barangay sa pangunguna ni Brgy. Kagawad Lo**ta Catimbang, at PrimeWater Iriga sa pangunguna ni Branch Manager Ryan Cobilla.



May this Eid bring peace, prosperity, and happiness to you and your family. From Iriga City Water District and PrimeWate...
19/07/2021

May this Eid bring peace, prosperity, and happiness to you and your family.

From Iriga City Water District and PrimeWater Iriga

IRIGA, CAMARINES SUR—Binigyang basbas ng PrimeWater Iriga at Iriga City Water District ang unang 10-cubic meter capacity...
12/07/2021

IRIGA, CAMARINES SUR—Binigyang basbas ng PrimeWater Iriga at Iriga City Water District ang unang 10-cubic meter capacity stainless water truck sa Iriga City Terminal noong Biyernes, ika-9 ng Hulyo.

Wika ni Ryan Cobilla, Branch Manager ng PrimeWater Iriga, nakahandang mag-rasyon kung kakailanganin ng two (2) gallons per household sa sumatutal na 250 na bahay ang 10,000 litro ng tubig.

“Kung sakaling may kakapusan ng tubig, mabilis na naming matutugunan ang concerns ng aming mga concessionaires,” dagdag pa niya.

Bunga ng Joint Venture Agreement ng PrimeWater Iriga at Iriga City Water District ang pagkakaroon ng ganitong mga proyekto upang mas mapagsilbihan pa ang mga residente at concessionaires ng Iriga.

Ang truck blessing ay dinaluhan ni Iriga City Water District General Manager Romulo M. Corporal Jr., PrimeWater Iriga sa pangunguna ni Operations Head Jhon Solis at Branch Manager Ryan Cobilla, ICWD-BOD Chairman Ryan Nagrampa at Mayor Madel Alfelor, butihing City Mayor ng Iriga City.

Address

Rufino Llagas Street, . San Roque
Iriga City
4431

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 9am - 12pm

Telephone

(054) 299-5709

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PrimeWater Iriga City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to PrimeWater Iriga City:

Share