20/12/2025
Bago Tumanggap ng Client (Real Talk)
1️⃣ Initial Client Interview (kahit quick lang)
Tanungin: • Anong project? (reno, new build, interior, etc.) • May lupa na ba? May title / lot plan? • Bakit ngayon lang magpapagawa?
👉 Dito pa lang, makikita mo na kung decided o trip-trip lang.
⸻
2️⃣ Budget Reality Check
• May target budget ba talaga o “bahala na si architect”? • May idea ba sila sa construction cost per sqm?
👉 Rule of thumb: Kung ayaw pag-usapan ang budget, malamang ayaw din magbayad ng tama.
⸻
3️⃣ Client Capacity Check
• Working professional / negosyo / source of funds • Sino ang final decision-maker?
👉 Red flag kapag: “Consult ko muna si mama, tita, pinsan, kapitbahay.”
⸻
4️⃣ Project Timeline Clarity
• Kailan gusto magsimula? • Kailan ang target turnover?
👉 Pag gusto ng “rush” pero walang kumpletong requirements — warning na agad yan.
⸻
5️⃣ Ipaliwanag ang Scope of Work
• Ano lang ang kasama sa design fee • Ano ang additional services • Ilang revisions lang ang allowed
👉 Kapag gusto all-in-one pero budget pang drawing lang — mag-isip ka na.
⸻
6️⃣ Contract Bago Galaw
• Signed contract • Downpayment muna bago drawings
👉 Walang kontrata = walang proteksyon.
⸻
7️⃣ Huwag Magmadali
Mas okay mawalan ng client kesa magkaroon ng project na stress ang puhunan 😅
⸻
Tandaan, Ka-Architect
✅ Client screening = self-respect ✅ Architecture = propesyon ❌ Hindi ito free consultation center