13/08/2026
🦟 PAALALA SA ATING KOMUNIDAD: 4S KONTRA DENGUE
Mga kabarangay, sama-sama nating labanan ang dengue! Ang pag-iwas sa dengue ay nagsisimula sa ating sariling tahanan at komunidad.
1️⃣ SEARCH AND DESTROY
🔎 Hanapin at alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok. Itapon o takpan ang mga lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig.
2️⃣ SELF-PROTECTION
🛡️ Protektahan ang sarili laban sa kagat ng lamok. Gumamit ng mosquito repellent, magsuot ng angkop na damit, at gumamit ng kulambo.
3️⃣ SEEK EARLY CONSULTATION
🏥 Kapag nakaranas ng mataas na lagnat o iba pang sintomas ng dengue, magpakonsulta agad sa health center o doktor. Huwag mag-self-medicate.
4️⃣ SUPPORT FOGGING AND SPRAYING
🦟 Makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagsasagawa ng fogging o spraying kapag ito ay inirerekomenda sa mga lugar na may clustering o outbreak ng dengue.
Tandaan:
LINISIN ANG KAPALIGIRAN. ALISIN ANG PAMUMUGARAN NG LAMOK.
Ang dengue ay maaaring maiwasan kung tayo ay magkakaisa, magiging mapagmatyag, at kikilos araw-araw.
💚 Barangay Dunao at Sangguniang Kabataan ng Dunao — sama-sama para sa isang malinis, ligtas, at dengue-free na komunidad!
Dengue ay hindi dapat balewalain. Kumilos ngayon, protektahan ang bawat pamilya!