CurrenTrends

Directions

CurrenTrends �CurrentTrends

Masipag ang mga Pilipino. Sistema lang ang hindi masipag ayusin ang buhay ng Pilipino.Yan lang realtalk.PAHIRAP NG PAHIR...
09/10/2026

Masipag ang mga Pilipino. Sistema lang ang hindi masipag ayusin ang buhay ng Pilipino.

Yan lang realtalk.

PAHIRAP NG PAHIRAP SA PILIPINAS - REALTALK LANG

Realtalk, hindi na patas laban ngayon.

Dati pag masipag ka, kaya mo umangat. Ngayon, masipag ka na, pagod ka pa, lubog ka pa rin.

SAHOD HINDI GUMAGALAW, BILIHIN TUMATAKBO.

P645 minimum sa NCR. Pero bigas P60, itlog P8, sibuyas minsan P200, gas P70 per liter.

Noong 2018, yung P645 mo may sobra pa pang Jollibee ng pamilya.

Ngayon 2026, yung P645 mo, pang bigas at ulam lang ng isang araw ng pamilya mo na apat.

Hindi ka tamad. Yung pera mo lang ang tumatamlay.

TRABAHO PAHIRAP MAKUHA, MAS PAHIRAP MAWALA.

Apply ka 30 companies, wala tumatawag.

Tapos pag natanggap ka, 5 months lang. Endo.

Ibig sabihin, kada 5 buwan, kabado ka ulit kung may trabaho ka pa.

Paano ka magpaplano ng buhay kung 5 months lang kasiguraduhan mo? Paano ka bibili ng ref, paano ka magpapaaral ng anak kung 5 months lang contract mo?

BILIHIN PAHIRAP BILHIN, PAHIRAP IBENTA.

Ikaw mamimili, mahal. Ikaw nagtitinda, ayaw bumili ng tao kasi wala ring pera.

Kaya yung palengke ngayon, parehong reklamo tindera at mamimili - parehong walang pera.

UPA PAHIRAP BAYARAN, BAHAY PAHIRAP BILHIN.

Dati P2,500 may maayos ka nang inuupahan sa Bulacan.

Ngayon P2,500, kwarto lang na walang bintana.

Gusto mo bumili ng bahay? P2M na pinakamura, hulugan P12,000 monthly for 20 years. Eh sahod mo P15,000 lang.

Kaya hanggang pangarap nalang.

UTANG PAHIRAP BAYARAN, PAHIRAP TAKASAN.

Dati pag wala ka pera, mangungutang ka sa kapitbahay walang tubo.

Ngayon, GCash loan, lending app, 15% tubo isang buwan. Pag hindi ka nakabayad, tatawagan lahat ng contact mo.

Kaya yung Pilipino, may trabaho pero baon sa utang. Sahod palang, bayad utang na agad.

PAGOD KA NA, GASTOS KA PA PARA MAGPAHINGA.

Gusto mo lang manood para makalimot sa pagod, may bayad.

Load P50, Netflix P500+, Spotify, pati tubig na dati libre sa gripo, bibili ka na ng mineral.

Pati pahinga may presyo na.

YAN REALTALK.

Hindi dahil tamad Pilipino.

Pahirap ng pahirap kasi:

Sahod pang 2018, bilihin pang 2026
Trabaho pang 5 months, bayarin pang habambuhay
Pangarap pang mayaman, sistema pang mahirap

Kaya pag may nagsabi sayo na "sipag lang yan" - hindi totoo.

BARANGAY ELECTION? WALA NA! EXTENDED NA MGA KUMAG! TIGILAN MUNA NATIN YUNG KATANGAHAN NG FIRE TRIKE.Oo, nakakatawa. Fire...
06/10/2026

BARANGAY ELECTION? WALA NA! EXTENDED NA MGA KUMAG!

TIGILAN MUNA NATIN YUNG KATANGAHAN NG FIRE TRIKE.

Oo, nakakatawa. Fire truck dapat, naging mukhang golf cart na may sirena. 😂

Pero habang pinagtatawanan natin ’yan, may mas malaking bagay tayong halos nakalimutan agad.

WALA NA TAYONG BARANGAY ELECTION NGAYONG NOVEMBER.
SK? Tangina, kahit buwagin nila ’yan wala akong pakialam. 😂
Barangay election ang pinag-uusapan ko.
Dapat November 2 tayo boboto.
2028 na.

Hindi tayo tinanong kung gusto nating pahabain ang termino ng mga nakaupo.
Ang nagdesisyon?
Yung mga taong binoto natin para supposedly maging boses natin.

Sa House alone: 62 principal authors. 211 YES. 13 NO. 1 abstention.
August 26 filed → September 2 second reading → September 8 approved → September 24 nasa Presidente.

Batas na.

Wala pang isang buwan.
P**A, kaya naman pala nilang gumawa ng batas nang mabilis kapag gusto nila.

At ito yung parte na nakakatakot para sa akin.
Barangay election isn't the biggest election in the country.
Ito yung unang bakod.

At ngayon alam na nilang kaya nilang ilipat ang nakatakdang election at pahabain ang termino ng mga nakaupo.
So ano ang susunod?
Congress? Senado? Presidente?

Hindi ko sinasabing mangyayari ’yan.
Pero puta—
ano ngayon ang hindi nila kayang galawin?
Ganun naman ang bakod.
Hindi mo gigibain lahat sabay-sabay.
Isa muna.
Tingnan kung papalag ang mga tao.
Tapos isa pa.
Tapos isa pa.
Tapos isa pa.

And then GOLDEN AGE na naman tayo, boys and girls. 😂

Hindi ko sinasabing helpless tayo.

Kaya nga dapat malaman natin kung sino ang nag-author, sino ang nagtulak, sino ang bumoto, at sino ang pumirma.

Dahil supposedly, nagtatrabaho para sa atin ang mga taong ’to.
Binoto natin sila para maging boses natin.
So gusto ninyong malaman kung sino sila?
Nasa comments ang mga pangalan.
Basahin ninyo.
Mahaba. Putangina, sobrang haba.

TIBA TIBA ANG HINAYUPAK. Grabe ang laki ng kick back ni Jovic Remulla at ng Bangag Administration.  Harap harapan ng nin...
05/10/2026

TIBA TIBA ANG HINAYUPAK. Grabe ang laki ng kick back ni Jovic Remulla at ng Bangag Administration. Harap harapan ng ninakawan ang mga alingagngag at kakampwet Bbm pa rin.🤣🤣

Sino ba talaga ang pinaglilingkuran ng gobyerno?Pilipino ba o oligarch?HINDI PRIORITY ANG PILIPINO. MAS PINOPROTEKTAHAN ...
05/10/2026

Sino ba talaga ang pinaglilingkuran ng gobyerno?

Pilipino ba o oligarch?
HINDI PRIORITY ANG PILIPINO. MAS PINOPROTEKTAHAN ANG OLIGARCH.

Yan ang totoo. Masakit pero yan ang resibo.

Tignan mo lang yung dalawang balita ngayong linggong to:

MILE LONG PROPERTY - 22,924 SQM SA MAKATI C*D.

Lupa ng gobyerno. Lupa nating lahat.

Mabilis ang aksyon. Administrative Order No. 50. Ibabalik sa PMO para ibenta agad ng P10 Bilyon. Target benta by 3rd quarter. May plano agad kung paano ibebenta.

Mabilis, kasi may bibili. May kikita. Oligarch ang bibili, gagawing condo at mall, kikita ng bilyon ulit.

LRT2 - TREN NG ORDINARYONG PILIPINO.

Ilang taon nang humihingi ng pondo para sa bagong tren. Ilang taon nang sinasabing kulang ang tren, bugbog sarado na, lampas na sa limit.

Hanggang ngayon, wala pa ring bagong tren.

October 2 pa lang, sardinas na. May nagsusuntukan na sa siksikan. May nahihimatay na sa loob. Puno na ang platform bago ka pa makasakay.

Wala pa ang December rush, ganito na.

Mabagal ang aksyon. Kulang daw sa budget. Hindi daw priority.

BAKIT GANUN?

Kasi pag lupa ng gobyerno sa Makati ang pinag-usapan, may P10 Bilyon agad na kikitain ang gobyerno at bilyon ulit ang kikitain ng bibili.

Pag tren ng Pilipino ang pinag-usapan, walang kikitain ang oligarch. Pilipino lang ang gaganda ang buhay. Kaya hindi priority.

GANITO ANG SISTEMA:

Pag ang ari-arian ng bayan ibebenta sa oligarch - mabilis ang pirma.

Pag ang serbisyo para sa bayan ang hihingin ng Pilipino - mabagal ang pirma.

Yung tubig, kuryente, tollway, airport - dati gobyerno may-ari para mura. Binenta sa oligarch. Ngayon pinakamahal sa Asia ang binabayaran natin.

Yung lupa sa Makati, gobyerno pa may-ari ngayon. Ibebenta na ulit. Bukas, tayo na naman magbabayad ng mahal para makapasok sa dati nating lupa.

Yung tren, dapat gobyerno bumibili ng bago para sa tao. Pero hindi mabili-bili kasi walang kita ang oligarch sa libreng hangin ng tren.

KAYA WAG KA NANG MAGTAKA BAKIT:

Yung mall ng oligarch kahit walang kumpletong permit, bukas agad.

Yung maliit mong tindahan, isang permit lang kulang, sarado agad.

Yung condo ng oligarch sa Makati, isang pirma lang sa gobyerno, tayo agad.

Yung tren ng Pilipino na dapat bago na, ilang pirma na, hindi pa rin mabuo.

HINDI DAHIL WALANG PERA ANG GOBYERNO.

May pera. Bilyones. Trilyones ang budget.

Nasa saan?

Nasa ghost flood control. Nasa overpriced na proyekto. Nasa benta ng lupa ng bayan na P10 Bilyon na dapat sana hindi na kailangang ibenta kung hindi nawawala yung pera.

SA MADALING SALITA:

GOBYERNO ANG PUHUNAN - tax mo, lupa mo, utang na babayaran mo.

OLIGARCH ANG KASOSYO - sila ang bibili, sila ang kikita.

PILIPINO ANG HINDI PRIORITY - tayo ang magbabayad, tayo ang magsiksikan, tayo ang mahihimatay sa tren.

Hindi pa December, sardinas na sa LRT2.

Pero yung 22,924 sqm sa Makati, may plano nang ibenta.

04/10/2026

Napansin mo din pla? Palpak ngani😂😂😂

04/10/2026

Biggest Fire trucks pla to😂 Ang cute🤭 ang cute ihampas sa mukha ng nagsabing malaki to!

03/10/2026

3 years old tapos bugbog sarado, grrrabe tlga ung stepfather ni Jen noon😔

03/10/2026

POTAKTE yan, Pde nmn pla ung CELEBRATE nlng🤦

03/10/2026

Naghuhugas Kamay, kaso sa kanal🙄 lol Patrick , kung di mo hinayaang maimpluwensyahan ka ng nanay at kapatid mo noon, baka okay pa kayo ni Jen, matapobre kasi pamilya Nyo, ayaw Kay Jen kasi di mayaman🙄

03/10/2026

Hoy! Patrick! JUST SO YOU KNOW, SA LAHAT NG ANAK MO! SI JAZZ ANG KAMUKHA MO! kung wala pang nakakapagsabi sayo , etooo oh! Sinasabi ko na, as in MALALA! kamukhang KAMUKHA mo c Jazz!!!

Address

Cgbb
Lucena
1245

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CurrenTrends posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share