08/08/2025
Noong nakaraang Hunyo, nakaranas tayo ng hinagpis ng tatlong bagyo, bagyong Crising, bagyong Dante, at bagyong Emong. Isang linggo na walang pasok, isang linggong lunod tayo sa pagpapahirap ng tatlong bagyo na ito.
Ngunit kahit na malakas na ang bagyo, patuloy padin ang aming mga trabahador sa pagsusumikap para tapusin ang kanilang mga trabaho.
Nang dahil sa kanilang pagsusumikap, sila ay nagkaroon ng mga sakit at lagnat ngunit hindi ito naging hadlang upang tumigil sa trabaho.
Sa pinakita niyong sipag, tiyaga, at pag-alay ng inyong mga buong puso sa trabahong ito, sana magustuhan niyo ang aming munting regalo para sainyo. Lahat ng ito ay deserve niyo.
Sa aming mga trabahador at sa lahat ng mga kapwa nating construction workers, hindi lang kayo emplayado para saamin, kundi pamilya narin ang turing namin sainyo.
Kung wala kayo, wala rin kami sa kinatatayuhan namin ngayon, at kung wala kayo, hindi mabubuo ang isang munting tahanan na magsisilbeng hindi lang maka-buo ng mga alaala, kundi magsisilbeng silungan at proteksiyon ng mga tao sa pagsapit ng mga matitinding kalamidad.
Maraming salamat sainyo, at maraming salamat din sa ating Panginoon, sa pag-gabay at pag-bigay ng lakas sainyong lahat🙏
May God be with you and be with us ALWAYS🙏
“With God’s foundation, it builds a memories that last a lifetime”