16/04/2025
SANDY OCAMPO ENDORSES ISKO AND BAM
Sa naganap na proclamation rally ng Yorme's Choice sa Santa Mesa noong April 3, muling inanunsyo ni dating Manila 6th District Rep. Sandy Ocampo ang kanyang buong pagsuporta kay dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
Suportado umano niya si Isko dahil nakapagbibigay siya ng inspirasyon sa mga kabataan at kinakalinga ang ating mga lolo't lola. Dagdag pa ni Ocampo, si Isko ang tunay na tapat at totoo.
Nakiusap din si Ocampo sa harap ng mga batang Maynila na suportahan ang pinsang buo ng kanyang asawa na si dating senador Bam Aquino sa kanyang pagbabalik sa Senado.
Bukod kina Isko at Bam, inendorso rin ni Ocampo sina Chi Atienza, Joey Uy, at ang buong slate ng Yorme's Choice para sa ikaanim na distrito ng Maynila.