Arkiteknik

Arkiteknik Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Arkiteknik, Marikina City.

Arkiteknik contributes to our fellow filipino workers as well as construction-related professionals by giving some information and tips in any area of designing, construction methods, materials, and other related topic in construction.

Congratulations 2020 Architects! :)
29/01/2020

Congratulations 2020 Architects! :)

iSport Series  #1BasketballAng basketball ay isang isport na binubuo ng limang manlalaro sa court ng bawat panig na magk...
27/01/2020

iSport Series #1
Basketball

Ang basketball ay isang isport na binubuo ng limang manlalaro sa court ng bawat panig na magkalaban. Bawat manlalaro ay may posisyon - Center, small forward, power forward, shooting guard at point guard. Ito ay nahahati sa apat na quarter na may tig-12 na minuto. Ang layunin ng bawat panig ay makapuntos sa pamamagitan ng pagpasok ng bola sa ring kung kaya't dapat depensahan ng kalaban ang kabilang pangkat upang hindi ito makalusot. Ito ay may mga rules na dapat sundin upang hindi magkaroon ng violation. Ang may pinakamataas na iskor matapos maubos ang oras ay siyang panalo.

Reference: Design Dimension

"Everything negative, pressure, challenges, is all an opportunity for me to rise."
-Kobe Bryant aka Black Mamba, NBA Legend

God bless all ALE 2020 Takers tomorrow.Ngayon pa lang ARCHITECT na kayo. Claim and it will be yours! FIGHT!
23/01/2020

God bless all ALE 2020 Takers tomorrow.
Ngayon pa lang ARCHITECT na kayo. Claim and it will be yours! FIGHT!

DESIGN PRINCIPLEIto ay ginagamit upang mas maintindihan at maipahayag ang kabuuang konsepto at konteksto ng disenyo gami...
14/01/2020

DESIGN PRINCIPLE
Ito ay ginagamit upang mas maintindihan at maipahayag ang kabuuang konsepto at konteksto ng disenyo gamit ang iba't ibang batayan, panuntunan, at prinsipyo. Ito ay may sikolohikal na epekto sa tao - nasa loob o labas man ng gusali dulot ng maaari itong makita, mahawakan at makabuo ng sariling interpretasyon sa bawat tao. Maaaring may impluwensiya ito sa gawi at galaw ng tao at kung paano nila naintindihan ang obra maestra na nais ipayahag ng arkitekto sa pamamagitan ng garantisadong disenyo na dumaan sa masusing pag-aaral, pagsusuri, at konsiderasyon.

REFERENCE: Visual Dictionary of Architecture by Francis D.K. Ching

Graphic Arts by Arkiteknik, (created on 2019)

Ang konkreto ay isa sa pangunahing materyales na ginagamit sa pagtatayo ng gusali at istruktura dahil sa taglay nitong t...
13/01/2020

Ang konkreto ay isa sa pangunahing materyales na ginagamit sa pagtatayo ng gusali at istruktura dahil sa taglay nitong tibay. Sa kabila ng mga ito ay may mga imperfection o depekto pa rin gaya ng pagbibitak at pagkabasag dulot ng patuloy na paggalaw, pagyanig at maling proseso ng pagbuhos.. Narito ang ilan sa mga paraan upang maiwasan ang mga ito.

REFERENCE: Observation, Fundamentals of Building Construction Materials and Method by Edward Allen and Joseph Iano, Images by Google

DISCLAIMER: Ang mga sumusunod na mababasa sa post ay GENERAL INFORMATION na maaaring mahanap at matutunan sa libro, research, panonood ng video, pakikinig at karanasan. Layunin ng pahinang ito na ibahagi ang aking mga natutunan hindi upang angkinin, kopyahin o pagkakitaan. Maaaring magbigay ng pagtatama, karagdagang impormasyon, suhestiyon, at pananaw ang bawat isa para sa mas malawak na talakayan. Hangad nito ang maayos na pagbabahagi nang walang iniimbot na pagmamataas at kumpetisyon.

Ang gypsum board ay kadalasang tinatawag rin na sheetrock, plasterboard, gypsum panel at drywall. Ito ay mahusay na gami...
14/08/2019

Ang gypsum board ay kadalasang tinatawag rin na sheetrock, plasterboard, gypsum panel at drywall. Ito ay mahusay na gamitin para sa kisame dahil sa magandang properties nito. Sa paglalagay nito, may tamang prosesong sinusunod upang maiwasan ang agarang pagbitak nito at maganda ang kalabasan ng disenyo. Ito ay maaaring ikabit sa kostilyaheng gawa sa kahoy o kaya'y metal furrings.

REFERENCE: On-site experience, USG Sheetrock Installation and Finishing Guide

DISCLAIMER: Ang mga sumusunod na mababasa sa post ay GENERAL INFORMATION na maaaring mahanap at matutunan sa libro, research, panonood ng video, pakikinig at karanasan. Layunin ng pahinang ito na ibahagi ang aking mga natutunan hindi upang angkinin, kopyahin o pagkakitaan. Maaaring magbigay ng pagtatama, karagdagang impormasyon, suhestiyon, at pananaw ang bawat isa para sa mas malawak na talakayan. Hangad nito ang maayos na pagbabahagi nang walang iniimbot na pagmamataas at kumpetisyon.

Nais kong ibahagi sa inyo ang mga naging karanasan ko nung unang sumabak ako sa site bilang project in-charge. Maaaring ...
10/08/2019

Nais kong ibahagi sa inyo ang mga naging karanasan ko nung unang sumabak ako sa site bilang project in-charge. Maaaring ang ilan sa inyo ay bago pa lamang kagaya ko o di kaya’y nasanay umupo at magdamag na titigan ang kompyuter o drafting table dahil sa kaka-drawing. Maaaring ang ilan ay natatakot sa alikabok, makipag-usap sa client, humarap sa tao, at iba pang kinatatakutan natin. Learning never stops at walang pumipigil sa atin para aralin ang gusto nating malaman. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karanasan na natutunan ko sa construction site na maaaring kapulutan niyo rin ng aral. IKAW ANO ANG KWENTO MO? :)

I AM GRATEFUL TO EXPERIENCE ALL OF THESE. :)
SHOUTOUT sa mga construction workers na patuloy na nagbabanat ng buto upang magawa ang mga pinangarap na gusali. :)

Ang National Building Code of the Philippines o PD1096 ay naglalaman ng mga pamantayan o standards sa paggawa ng ibat ib...
08/08/2019

Ang National Building Code of the Philippines o PD1096 ay naglalaman ng mga pamantayan o standards sa paggawa ng ibat ibang gusali upang mas maging ligtas ito at kagamit gamit.

REFERENCE: National Building Code of the Philippines (NBCP), Fundamentals of Building Construction Materials and Method by Edward Allen and Joseph Iano, Visual Dictionary of Architecture by Francis D.K. Ching

DISCLAIMER: Ang mga sumusunod na mababasa sa post ay GENERAL INFORMATION na maaaring mahanap at matutunan sa libro, research, panonood ng video, pakikinig at karanasan. Layunin ng pahinang ito na ibahagi ang aking mga natutunan hindi upang angkinin, kopyahin o pagkakitaan. Maaaring magbigay ng pagtatama, karagdagang impormasyon, suhestiyon, at pananaw ang bawat isa para sa mas malawak na talakayan. Hangad nito ang maayos na pagbabahagi nang walang iniimbot na pagmamataas at kumpetisyon.

Napapansin niyo ba ang mahabang rod na nakabaon sa lupa na kadalasan nating nakikita malapit sa poste ng Meralco o labas...
07/08/2019

Napapansin niyo ba ang mahabang rod na nakabaon sa lupa na kadalasan nating nakikita malapit sa poste ng Meralco o labas ng bahay natin? Ito ay grounding rod na may pambihirang gamit dahil ito ang pumoprotekta mula sa di inaasahang pag-angat sa mataas na boltahe ng kuryente dulot ng malakas na kidlat o abnormal na daloy ng kuryente sa sistema na maaaring pagmulan ng sakuna gaya ng sunog.
Reference: National Electrical Code (NEC)

Sa Agbarog, Sigurado! ✔️ 🇵🇭
06/08/2019

Sa Agbarog, Sigurado! ✔️ 🇵🇭

Concrete Mixture Proportion ChartEstimate tutorial regarding concrete will be posted soon.
05/08/2019

Concrete Mixture Proportion Chart
Estimate tutorial regarding concrete will be posted soon.

Address

Marikina City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Arkiteknik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share