04/09/2023
Magandang Araw!
Ang NHRFI ay kasalakuyang tumatanggap at naghahanap ng mga Male ex- interns - na may position na Welder at maayos na nakatapos ng tatlong (3) taong kontrata bilang intern at interesadong maging SSW - Welder sa Japan.
Kung kayo ay may kamag anak, kaibigan o kakilala na dating ex intern welder base sa nabanggit na qualifications at nais magbalik sa Japan bilang SSW Welder ay papuntahin na lamang AGAD ng PERSONAL sa ating opisina mula Lunes- Biyernes (except Holidays) from 7am to 4 pm para mailine-up sa mga employer na naghahanap ng mga SSW Welders.
Muling ipinapaalala pa rin ng opisina na para naman hindi gumastos ng unnecessary ang inyong mga kamag anak, kaibigan o irerekomenda ay p**i siguraduhin na qualified at kumpleto ang mga papel lalo na ang mga passport dahil mahirap at mahal magbyahe ngayon lalo na kung siya ay manggagaling sa malayong lugar. Huwag ninyo silang papuntahin ng walang dalang anumang papel lalo na ang mga patunay na sila ay qualified para sa category na gustong aplayan. Hindi maaari na gawing dahilan ng inyong inirekomenda na sinabi lang na pumunta at hindi nadala ang mga dokumento, ang inaaplayan ay employment abroad kaya dapat na may mga papel. Kailangang dalhin ang updated resume, updated 2x2 picture at iba pang personal na documents bilang patunay na ex intern siya as Welders dati.
Maraming Salamat sa inyong kooperasyon at sana ay p**ilinaw ninyo itong mabuti sa kanila para naman maging maayos ang lahat.
Inaasahan namin sila ay mag apply sa ating opisina.
Maraming Salamat.