07/06/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
STEP 1: Humingi ng Kopya ng Titulo
Kapag may inaalok na lupa mula sa isang real estate agent o may-ari ng lupa, ang unang hakbang ay humingi ng kopya ng titulo ng lupa.
Ipa-verify ito sa Registry of Deeds upang masigurong malinis ang lupa mula sa anumang sagabal tulad ng mortgage, claims, o iba pang problema. Siguruhing tugma ang kopya ng titulo sa records sa Registry of Deeds upang matiyak na ito ay tunay at walang isyu.
STEP 2: ๐๐๐ ๐ฉ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Mag-hire ng LICENSED GEOEDETIC ENGINEER para magsagawa ng relocation survey ng lupa.
Siguruhing walang mga istruktura o bakod mula sa katabing lote na sumasakop sa lupang balak bilhin.
STEP 3: Gumawa ng Deed of Sale
Kapag malinaw at walang problema ang lupa, magpatuloy sa paggawa ng Deed of Sale o โContract of Saleโ.
Pirmahan ito ng parehong buyer at seller at ipa-notaryo ang kontrata.
STEP 4: Magbayad ng Documentary Stamps
Sa loob ng isang buwan mula sa pagkaka-notaryo ng Deed of Sale, magbayad ng Documentary Stamps.
Mahalagang bayaran ito agad upang maiwasan ang anumang komplikasyon.
STEP 5: Magbayad ng Capital Gains Tax
Ang seller ang kailangang magbayad ng Capital Gains Tax sa BIR (Bureau of Internal Revenue) dahil may kita siya mula sa bentahan.
Ang BIR ang mag-iisyu ng Certificate of Authority to Register bilang patunay na bayad na ang lahat ng buwis at para maaprubahan ang paglilipat ng titulo sa buyer.
STEP 6: Bayaran ang Transfer Fees at Ilipat ang Titulo
Kapag hawak na ang Certificate of Authority to Register, dalhin ito sa Registry of Deeds.
Bayaran ang Transfer Fees, na kadalasang mura lamang.
Ang Registry of Deeds ang magsusuko ng Ownerโs Copy ng titulo, at maghintay para sa proseso ng paglilipat ng titulo. Mag-follow-up nang tuloy-tuloy dahil maaaring magtagal ang proseso sa Registry of Deeds.
Ang pagsunod sa mga steps na ito ay makakatulong upang maging maayos at walang legal na problema ang pagbili mo ng lupa.
Kung kailangan mo ng tulong para sa Land Survey o pagpapatitulo ng iyong lote, message mo ako ngayon at tutulungan ka namin. ๐
CONTACT US TODAY for a free consultation or quote!
๐ : 0945-619-2015
๐ฉ : [email protected]
FB : Engr. Jayvee Mantala