07/04/2023
Bago namatay, sinabi ng Tatay sa anak: “Heto ang isang relo na binigay sa akin noon ng Lolo mo. Halos 200 taon na ang edad ng relo na iyan. Ngunit bago ko ibigay sa iyo, pumunta ka sa bilihan ng relo diyan sa kabilang kanto. Pakisabi mo sa may-ari na nais kong ibenta ang aking relo at alamin mo kung magkano niya bibilhin.”
Pumunta ang anak sa bilihan ng relo at pinakita, pinresyuhan ng 150 pesos. Bumalik ang anak sa Tatay at sinabing “150 daw po ang presyo ng relo, kasi luma na”.
Sabi ng Tatay: “Dalhin mo sa coffee shop”.
Pumunta ang anak sa coffee shop, makaraan ang ilang sandali, umuwi na at sinabi sa Tatay: Sabi ng may-ari ng coffee shop, 500 pesos daw po kasi, lipas na ang modelo, luma na.
Sabi ng Tatay: “Punta ka sa Museum, ipakita mo ang relo.
Pumunta ang anak sa Museum at ipinakita sa curator. Bumalik siya sa Tatay niya at sinabing: Inofferan po ako ng may-ari ng museum ng milyong halaga sa relo ninyo, kasi bihira na raw po ang ganitong bagay at isasama niya sa mahahalaga niyang koleksiyon ng antigo.”
Sabi ng Tatay: “Nais kong malaman mo Anak, na may halaga ang bawat isa sa tamang lugar. Huwag dalhin ang sarili sa mga maling lugar at magagalit dahil hindi ka pinahalagahan. Ang mga nakakakilala kung sino ka, sila ang magpapahalaga sa iyo. Huwag manatili sa lugar na hindi nakikita ang kalagahan mo bilang ikaw”.