10/06/2026
Magandang araw po sa inyong lahat.
Ako po si Joven Berja.
Sa loob ng maraming taon, ang hanapbuhay ko po ay ang paglilinis, pag-install, at pag-aayos ng mga air conditioning units. Sa bawat trabahong natapos, maraming kliyente ang nagtiwala at patuloy na tumangkilik sa aming serbisyo.
Dahil sa tiwalang iyon, mas lalo akong na-inspire na pagbutihin pa ang aming serbisyo at magtayo ng isang kumpanya na mas makakapagserbisyo pa sa mas marami pang kliyente.
Masaya ko po ibinabahagi na mayroon na kaming naitatag na kumpanya, ang Cooltek Climate Systems Corporation.
Kahit bago ang pangalan ng kumpanya, ang aming karanasan at dedikasyon sa trabaho ay matagal nang nabubuo sa bawat bahay, condo, opisina, at negosyo na aming napagserbisyuhan.
Ang pangako namin ay simple lamang:
β Maayos na trabaho
β Tapat na serbisyo
β Tamang solusyon para sa inyong pangangailangan
Maraming salamat po sa lahat ng nagtiwala sa amin noon at sa mga susuporta sa amin sa bagong parte ng aming pagseserbisyo.
Excited po kami na makapaglingkod pa sa mas marami pang kliyente sa mga susunod na taon.
Maraming salamat po.
β Joven Berja
Cooltek Climate Systems Corporation