01/07/2026
Kung maglalagay ng Seismic Isolators, alin ang dapat unahin?
Sa panayam na ito, ipinaliwanag ni Engr. Ruel B. Ramirez—Principal Structural Engineer, RBRA at Dean, College of Engineering, Central Colleges of the Philippines—na dapat unahin ang mga government buildings at critical infrastructure dahil sila ang mga unang tumutugon sa panahon ng kalamidad.
✅ Police Stations
✅ Fire Stations
✅ Municipal & City Halls
✅ Barangay Halls
✅ Command Centers
✅ Evacuation Centers
Kapag nanatiling operational ang mga gusaling ito pagkatapos ng lindol, mas magiging mabilis ang rescue operations, emergency response, at pagbangon ng komunidad.
Para naman sa private sector, mahalagang isaalang-alang ang paggamit ng Seismic Isolators sa mga gusaling may mataas na bilang ng tao at kritikal sa operasyon.
🎥 Panoorin ang exclusive interview at alamin kung paano gumagana ang Seismic Isolators at kung paano nito napoprotektahan ang mga gusali laban sa mga paparating na malalakas na lindol.