22/05/2026
POWER RATE UPDATE PARA SA BUWAN NG MAYO 2026
Nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa ating taripa ng kuryente bunsod ng mataas na halaga ng presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ngayong panahon ng tag-init.
Kaya pinapayuhan pa rin ang lahat ng Member-Consumer-Owners (MCOs) na ugaliin ang pagtitipid sa pag-gamit ng kuryente.
Ang GENERATION CHARGE at TRANSMISSION CHARGE ay Pass-on Charge na sisingilin lamang at ibabayad sa ating power supplier at NGCP, na walang anumang maiiwan sa ating kooperatiba. Samantala ang Government Revenue & Mandated Charges ay ireremit lang din sa mga ahensya ng gobyerno. Tanging ang “Distribution, Supply and Metering charge” (DSM) lamang ang naiiwan sa SAJELCO para gamitin sa kanyang operasyon na walang pagtaas mula pa noong taong 2009 na may kabuuang ₱1.3194/kWh.
Maraming Salamat po.