22/10/2025
Share lang namin ang naging
experience namin sa isang site.
WARNING PONG POST BUT INFORMATIVE!
Kahapon, Meron Client na tumawag na sa inuupahan nya daw na building pumutok at merong nasunog na outlet.
Nang dumating kami sa site, ang owner ng building merong sariling electrician na dala. At ang defective na outlet na nasunog ay napalitan na.
Tumawag si client na pa double check pa dn at sya na daw ang babayad samin.
Ito ang mga nakita namin :
1. Ang pag kaka gawa ng unang electrician sa outlet na nag karoon ng problema ay hindi maganda at safe, labas ang wire at pwedeng mabaklas / maalis / mag lapat na mag dudulot ng sunog o pag putok ng outlet.
• Inulit namin ang pag kaka terminate ng outlet, upang maka iwas sa anumang sakuna. Walang labas na wire, siniguradong sagad at tamang pag kaka tusok ng wire sa outlet.
2. Binuksan namin ang panel at meron kaming nakitang damage na wire or merong talop na wire.
• kaya namin binuksan ang panel upang icheck kung wala bang naging damage ang kasunog ng outlet sa loob nito. Chineck ang wire at breaker.
Kaya ayun nakita namin na merong talop ang wire pero hindi ito sa pumutok / na damage na outlet. Ito ay iba pang circuit. Kaya ginawa namin nilagyan namin ng tape para hindi mag dulot ng sakuna ito. Pwedeng maka ground at pag mulan ng sunog.
3.Panelboard Breaker and Wire Size
• After namin makita na hindi tugma ang wire at breaker ay binigyan namin ng recommendation ang client kung anu ba dapat wire size at breaker.
Hindi ibig sabihin merong breaker tayo ay safe na tayo. Meron itong kanya kanyang partner. Pag hindi tugma ay pwedeng masunog ang wire ng hindi pa nag tritrip ang inyong breaker.
Siningil lang namin si client ng P700 😁
NOTE : Hindi namin sinisiraan ang mga unang gumawa, gusto lang namin na malaman nyo na ang perang ibabayad nyo ay SULIT at SAFE!
OUTLET lang ang concern pero ginawa naming full inspection with recommendation.