07/06/2026
𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 “𝗜𝗖𝗢𝗡𝗜𝗖 𝗠𝗢𝗗𝗘𝗥𝗡” 𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦
Maraming bahay ang mukhang pang-magazine: may malalaking salamin, modern finishes, flat roofs, at striking forms. “Iconic” sabi nila. Pero over sa design elements. Parang tita mo na magni-ninang sa binyag. Sinuot na lahat ng alahas at bonggang damit sa isang okasyon. Pero seriously, hindi pasok sa Pinas. Para sa klima natin, madalas itong nauuwi sa:
-Sobrang init kasi puro salamin
-Mataas na electric bill dahil sa heat gain kailangan mag-aircon kasi nga ang lalaki ng mga fixed glass curtain wall
-Mas mataas ang risk ng tagas dahil sa maulang klima kalahati ng taon.
-Mas mahal i-maintain dahil ang daming design elements
Samantalang ang 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗠𝗼𝗱𝗲𝗿𝗻 𝗗𝗲𝘀𝗶𝗴𝗻 ay ginawa para sa klima ng Pilipinas: mas malamig, mas komportable, at mas matipid sa long term. Minimalist at well thought out.
Ang tunay na magandang bahay ay hindi lang dapat maganda tingnan. Dapat maganda rin ang performance araw-araw.