10/05/2026
“Power trip sa site” anong ibig sabihin nito?
Ito yung paggamit ng posisyon, authority, o seniority para manindak, mangmaliit, o kontrolin ang iba hindi para magturo o magpaayos ng trabaho, kundi para lang maramdaman nilang may kapangyarihan sila.
Normal ang pressure sa site, Normal din ang pagiging strict. Pero iba ang discipline sa power trip. Ang tunay na leader nagtuturo at nag-aangat hindi nanghihiya para lang magmukhang mataas.
Mga signs na baka pine-power trip ka na:
1. Lagi kang pinapahiya kahit maliit na mali
Imbes na i-correct ka nang maayos, sisigawan ka agad sa harap ng lahat kahit kaya namang kausapin professionally
2. Ikaw lagi ang pinupuntirya
Kahit may ibang nagkakamali, parang ikaw lagi ang pinapansin at binabantayan
3. Pinapagawa sayo lahat ng ayaw nilang gawin
Tipong kahit hindi mo trabaho, sayo ibabagsak kasi alam nilang hindi ka makakatanggi
4. Hindi ka tinuturuan pero galit pag di mo alam
Ayaw mag-guide pero gusto perfect ka agad
5. Dinadaan sa takot ang leadership
Imbes na respeto ang ma-build, gusto nila takot ang maramdaman mo
6. Hindi consistent ang trato
Minsan okay sila, minsan biglang galit nang walang dahilan. Parang kailangan lagi mo hulaan mood nila
7. Minamaliit achievements mo
Kahit may tama kang ginawa, hindi nila ma-acknowledge. Pero isang mali mo, sobrang laki agad
8. Pinaparamdam sayong madali kang palitan
Ginagamit minsan para mawalan ka ng confidence at manatiling sunod-sunuran
9. Hindi ka binibigyan ng chance mag-grow
Ayaw ka turuan ng ibang station o bagong skills kasi gusto nilang manatili ka lang sa baba
10. Ginagawang personal ang trabaho
Imbes na trabaho lang, dinadala sa pang-iinsulto o personal na atake
Real talk
Hindi lahat ng mahigpit na contractor ay toxic. Minsan mataas lang talaga standard. Pero kapag nawawala na respeto at dignity mo bilang tao, ibang usapan na yun.
Ang site dapat lugar ng disiplina, teamwork, at growth hindi takutan at yabangan ng ego.”
Stay safeee!!