13/06/2025
Thank you so much po sa mga walang sawa na sumusuporta sa aming munting negosyo. Dahil duon nagkaroon kami ng chance na makapagbigay at magkapagshare ng blessings sa aming kapwa. Maliit at simple man ito kung susumahin ngunit alam namin na malaking bagay ito sa mga batang nag-aaral sa school na humubog at nagturo samin nung kami ay mga musmos pala lamang. Naniniwala kami na darating ang panahon na mas higit pa rito ang kaya naming maibigay at maitutulong. Sana ay maging masaya ang mga makakatanggap at kahit papaano ay mabigyan kayo ng preskong hangin habang nag aaral. Walang sawa at habambuhay kong pasasalamatan ang aking sintang paaralan. Proud and loud na taga-Ibayo! ❤️❤️❤️